HENERAL GREGORIO DEL PILAR ELEMENTARY SCHOOL






Magandang gabi po sa inyong lahat.., Sa minamahal na.... #SpeechKoTo joke hehe
Narito na po ang before and after photo ng G. Del Pilar Elementary School.. (ung logo po sa baba ay gawa gawa ko lang hehe) Ang sarap po sa feeling na ilang kembot na lang ay magagamit na ito sa darating na School Year 2016 - 2017 na parang kailan lang po ay nilamon ng malakas na apoy..
Uumpisahan ko po sa kataga ni DR. Jose Rizal..
"Ang hindi marunong lumingon sa pinaggalingan ay hindi makakarating sa paroonan"
(Maya maya lang po malalaman nyo kung bakit hehe)
Hindi ko po naisip na sa unang taon ko sa pagtuturo sa paaralang ito ay makakaranas ako ng isang pangyayaring hindi ko malilimutan. Ikinalungkot ko ito ng sobra (ahahaha kahit di obvious grabe kayo skin)


dahil lahat po kaming limang magkakapatid ay isa rin po sa mga batang NAG-ARAL, nagkaroon ng muwang, nangarap, nangulit at marami pa pong iba hehe sa paaralang ito (#AlamNaKungBakit? hehe) 
Pagkatapos ng sunog naisip ko / namin po na "Hala, ano ng mangyayari sa amin? Paano na yung mga bata? paano tayo magtuturo"
Ipinagdasal ko sa Panginoon "Lord, Kayo na pong bahala." dahil naniniwla ako na ang lahat ng bagay na nangyayaring maganda man o hindi ay may dahilan.. :D #HappyLang
Makalipas ang sumunod na linggo ay nagsimula na ulit ang pasok, kailanga eh para sa mga bata..:D
Lumabas ang issue na binibili o ipinagbibili ang paaraang ito sa mga sumusunod na kompanya
toot toot toot .... hehe
Mabuti na lang at maagap ang alumni association,mga magulang, mag-aaral at kabarangay at sila naman ang nagpapaputok na hindi ito pdeng bilhin o ipagbili dahil ito ay deed of donation (Yun po ba ang tawag doon??) lang na kung may mag-aaring iba ay pdeng kuning muli ng may-ari??(Kasama ung Reina Regente Tennis Court sa donation)
Di rin nagtagal binisita kami ng ilan sa mga Big Boss ng Dep ED kabilang si Bro. Armin.. Nkakatuwa ung araw na un kasi po dala nya na ung plano ng bagong itatayo naming paaralan.. pati ung taga city hall ng Manila dumating din na may plano.. (siguro nakarating din sknila ang issue)
ayan simula na nang pagbangong #BangonDelPilar
Una naming nalaman na magmumula sa DepEd Nation ang pondo na gagamitin sa pagpapatayo ng bagong gusali namin.
Pangalawa pong pagkukunan ng budget ay etong City of Manila na mas na unang naitayo ngayon
( Yan na po ung bagong building at abangan ang susunod na building)
Dumaan ang araw at buwan, mga biyaya sa Del Pilar ay dumating..
labis labis ang aming pasasalamat sa mga biyayang Ito na hindi na mabilang... na talaga pong ipanagpasalamat namin sa Panginoon. :D #pray
Ganun talaga ang buhay kailangan mag move on pag may time...
Dumating ang panibagong School Year kasabay ng simulang pagtatayo ng bago naming gusali.. ayan na nagsisimula na sa isip isip namin,, yessssss. :) to sum it up...
January 2016.... February 2016.... March 2016....
ten tenenenennnnnnn
unang pasilip sa bagong gusali, dahil sa covered court na gagawin ang Recognition at Graduation 2016, wow gulat kmi parang kailan lang.. :D ayan na tlaga eto na talaga...

April 2016
Nalaman naming lahat na magkakaroon na ng INAUGURATION, SCHOOL BLESSING etc na kasama ang mga big boss na tumulong smin upang maitayo ang bagong 
GENERAL GREGORIO DEL PILAR ELEMENTARY SCHOOL
Dumating ang araw na iyon lahat kami ay masayang masaya......



Ngayon nag-iisip na po kami ng iba't-ibang paaran kung paano kami makakapag bigay aral, saya etc sa mga mag-aaral sa tulong ng ICT hehe (kaya natin to! LONDON pa more)
Sa panahon ngayon ICT na ang isa mga paraan upang mapadali ngunit makatutulong din nman sa mga bata para maging epektibong mag-aaral.. :D

Maraming Salamat sa Panginoon, hindi nyo po kami pinabayaan kahit kailan :D
Pangulong Mayor Erap Ejercito Estrada, Salamat po sa effort.. sa tablet na maaring naming gamitin 
(sana next time po laptop at projector naman hehe at sana rin po sinama nyo si JAKE hehe)
Maam Helen Bautista, Salamat po sa pakikipaglaban sa ating paaralan.
Maam Liza De Leon, Salamat po alam po namin na hindi nyo rin po kami pababayaan, ganun din po kami di ka rin po namin pababayaan at ang ating paaralan :D
DEP ED MANILA, salamat po sa effort nyo po sa amin, naappreciate po namin ito :)
DEP ED PHILIPPINES, Salamat po alam namin isusunod nyo na po ag susunod na gusali.. :D
Sa aking kapwa guro, salamat sa inyong lahat! :D di man po tau nagkakaunawan minsan pero tayo pa rin ay nagbubuklod buklod ;D mahaba haba pa po ang ating tatahakin.. #IkotPaMore
Sa mga magulang at mag-aaral, maraming salamat din sa inyo kung hindi dahil sa inyo ind tayo magiging kompletong pamilya..
Sa mga kabarangay, at sa lahat ng mga taong naging bahagi ng ating #BangonDelPilar maraming maraming maraming salamat po!
Alam po naming hindi sapat ang mga salita upang makapagpasalamat sa inyo!
God bless! :D


P.S. Hindi ko po ito ginawa upang makapagpaimpress sa inyo at mas lalong ibully nyo hehe ginawa ko po ito dahil sa labis na KASIYAHAN at PAGPAPASALAMAT sa inyong lahat...

Cindy Tarinay

Phasellus facilisis convallis metus, ut imperdiet augue auctor nec. Duis at velit id augue lobortis porta. Sed varius, enim accumsan aliquam tincidunt, tortor urna vulputate quam, eget finibus urna est in augue.

No comments:

Post a Comment